Monday, December 3, 2012

Review: Vice Ganda

                     Likas na nga sa mga Pilipino na kapag naisabi mo na, uulitin pa sayo. Sentido kumon! Kalimitan nangyayari ito sa ilang mga pampubliko at pribadong lugar, sa loob ng bahay, at maging sa paaralan. Sabi ng teacher, "Get one half sheet of paper, lengthwise", sabay sabi ng studyante, "Maam, one half po?", hindi-hindi, one fourth lang. Ay sus! Eto pa huh, alam na ay itatanong pa kaya nagagalit si Josie Marie Biseral. Sino yun? Hindi nyo ba sya kilala? Nanonood ba kayo ng showtime? Hini maaaring hindi nyo siya kilala, eh sikat na sikat nga siya lalo na pagdating sa entertainment. Alam nyo na siguro kung sino tinutukoy ko, oo, siya nga. Eh sino pa nga ba?
                      Lubusan siyang nakilala simula nung maging host sa showtime, magaling kasi siyang magpatawa. Mahilig din siyang mang-okray lalo na sa tingin niya ay pwede niyang gawan ng entertainment. Oo, siya si Vice Ganda. Sino pa nga ba. Bukod sa pagpapatawa, magaling din siyang magbigay ng opinion o ilang mga aral, lalo na kapag siya na ang magkokomento sa mga performers.
                       Ito ang ilan sa mga bagay na napuna sa kanya bagaman ito ay pawang entertainment lang. Mapilosopong salita. Sa kanya natutunan ang salitang "Hindi-hindi". Mapilosopo man sa pandinig pero nakakapagpasaya naman ng tao. Isa pa rito iyong pagmumukaing katawa-tawa ang isang tao sa harap ng marami, lalo na kapag sa katulad niya na homo. Palibhasa nga show di ba? Sumakay ka na lang, ayaw mo nun sikat ka, kahit sa loob mo napapahiya ka na. Hindi natin siya masisisi kasi nga trabaho lang. At least marami naman siyang napapatawang tao. 

No comments:

Post a Comment